Archive for Coyiuto

Point of View: Is Self-Respect Necessary??? (Independence Day Special)

Posted in CrazyTolit's Blurbs with tags , , , on June 12, 2009 by crazytolits

Sa ilang taon ng pagiging empleyado ko sa PGA, isang bagay lang ang napuna ko sa loob ng puder ng kumpanyang ito…Unting mawawala ang respeto mo sa sarili mo dahil sa kawalan na rin ng respeto ng mga maimpluwensyang tao na nagpapatakbo ng PGA sa mga sarili nilang empleyado. Ang pag gamit ng bakal na kamay sa empleyado ay hindi epektibong pamamaraan para makuha nyo ang respeto. Mantakin nyo na lang na mismong sa mga managers pataas na lang ay talamak ang murahan pag nasa meeting sila at walang pakielam ang mga ito na kahit may nakakarinig na rank and file sa lantarang pambabastos ng mga ito sa isat isa!!! Paano mo pa maexpect na respetuhin ka ng tao mo kung sagad sa buto ang pangaalipusta ang inabot mo? Kung matibay ang loob mo ay lukunukin mo na lang ang lahat ng ito at patay malisya ka na lang..pero hindi mo maloloko ang sarili mo dahil alam mong niloko mo na lang ang sarili mo at nagpalamon ka na sa katarantaduhan nila Coyiuto at Anton Sy!!! Isipin mo naman ang kahihiyan mo utang na loob!!! Dahil hindi nakukuha sa paligo para malinis mo ang sarili mo sa kahihiyan na inabot mo!!!

Ang tanong ko ay dapat bang isakripisyo mo ang respeto mo sa sarili mo para lang masikmura mo ang mga bagay na sa sarili mo ay sa tingin mo ay parte na ng buhay mo? Magisip ka ng mabuti dahil maraming komplikasyon sa moralidad mo ang pwedeng maidulot nito.

Point of View : Anomalya Sa PGA Atbp.

Posted in CrazyTolit's Blurbs with tags , , on March 26, 2009 by crazytolits

Alam kong hindi lahat ng anomalya sa loob at labas ng PGA ay aking nasisiwalat bagamat akoy natutuwa sa mga kumentong natatanggap ko sa mga ibat ibang readers ng blog na ito at dahil dito nais kong magpasalamat sa inyo sa inyong partisipasyon na mailabas ang katotohanan. Nais ko lang malaman ninyo na hindi lamang sa isang pagpipiket o pag strike ang solusyon para malaman ng management ang mga karaingan ng bawat empleyado…sa simpleng pamamaraan ng pag post ng inyong mga kumento ay naipapahiwatig na natin hindi lamang sa mga bulok na officers ng PGA kundi na rin sa lahat ng tao na tuluyang niloloko at ginagago ng kumpanyang ito. Kayat hinihikayat ko ang mga bumabasa na ito at makisama sa pagsisiwalat ng kabahuan ng mga Coyiuto makakaasa kayo na sa mga susunod  na ilalabas ko na issue ay siguradong kayo ay masisiyahan.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, maaari nyong mabasa ang mga kumento ng mga mambabasa nito sa ilalalim ng bawat post. ipress lang  ang button na “comments”.

Salamat Po!!!!

Point of View : A Tamagotchi Life (An Open Letter to PGA Staffs)

Posted in CrazyTolit's Blurbs with tags , , , , , , , on November 12, 2008 by crazytolits

Para sa mga empleyado ng Prudential Guarantee and Assurance…

Kaibigan…Nakapaglaro na ba kayo o marahil narinig na ang salitang “Tamagotchi”??? Ang Tamagotchi ay isang laro na pambata kung saan para kayong nagaalaga ng isang may buhay kung saan silay pinapakain…pinatutulog at kung ano ano pa…Alam nyo ba na ang buhay nyo sa puder ng PGA ay parang isang Tamagotchi??? Bakit ko nasabi ito??? Basahin nyo itong mabuti at intindihin ang bawat letrang nakasulat sa munting liham na ito…

Kayo, bilang isang empleyado ng PGA ay isang tamagotchi na kung saan kayo ay kinokontrol ni “Coyiuto”.  Para sa kanila, ikaw ay parang isang bagay lamang…walang damdamin…walang pakiramdam…walang isip…sa madaling salita isa ka lamang laruan sa kanila…papayag ka ba na ganito ang trato sa iyo ng isang amo??? Syempre hindi…sapagkat kayo bilang isang taong may pinagaralan ay nararapat na tratuhin ng tama at wasto…bakit kayo magtitiis sa isang kompanya na mali ang sistema sa pamamalakad??? Wag nyong hayaan na lamunin ng maling sistema o masaklap pa ay maging biktima ng mga halang na kaluluwa kagaya nila Coyiuto??? Hahayaan nyo ba na masayang ang sampung taon nyo sa wala??? Alam ko na marami na sa empleyado ng PGA ang matagal ng nakabinbin ang promosyon na nararapat lamang sa kanila…Bakit hindi ito nakakamtan??? Kasi ang mga umaangat sa loob ng PGA ay ang mga taong alam nila Coyiuto at hindi ang mga taong may alam…Hindi pa huli ang lahat kaibigan…may panahon pa para baguhin ang iyong kinabukasan…Marami din akong alam na kwento na nagpapatunay na mali ang pag trato ng mga Coyiuto sa kanilang mga tao…Kagaya na lamang ng isang empleyado nila na pinatalsik nila dahil sa pakikipag usap sa isang kalaban na insurance company din…Nakita lamang syang nagkakape kasama ang isang “kaibigan” at kinabukasan na lang ay nakaligpit na ang mga gamit nya at ayaw na syang papasukin sa trabaho…Asan ang kaluluwa nyong mga hinayupak kayo! Meron din isang pagkakataon na isang empleyado ang nagkasakit at nasa ospital ng biglang tawagan ni Coyiuto hindi para kamustahin kundi para sermonan sa pagpapabaya ng isang account na hawak nya sabay bitaw ng katagang “You will serve me even at your death bed” eh putang ina pala itong si RCJ isa syang balasubas na mukhang pera!!!

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit umalis si Danny Go na isang pinsang buo ni RCJ at lumipat sa kabilang kumpanya??? Marahil ang alam nyo ay dahil sa malaking offer ng isang kumpanya??? Sa palagay ko ay hindi…dahil naniniwala ako na hindi laging applicable na “Blood is Thicker than Water” dahil sa pagkakataong ito ay ginamit lamang nya ang pagiisip nya na hindi habambuhay na umaasa sya sa mga Coyiuto…dahil mismong sila sila na magkakamag anak ay nagaaway ng dahil lang sa pera!!! Kagaya na lamang ni Anthony G. Sy…bakit ba hindi sya makabitaw sa PGA??? dahil alam nyang wala na syang pupuntahan pag nilaglag sya ni Coyiuto kaya ayun…habambuhay na syang nakahalik sa pwet ni RCJ…tama ba ako dun Anton???

Alam ko na medyo maganda ang pasahod sa PGA kahit papano kahit na binabarat nila kayo sa CBA (kasi ginagamit nila sa pagpapasarap ang pera na para sana sa iyo…). Gaya nga ng sabi nila “Para kang nakasandal sa pader” pero ang problema…ang pader na sinandalan nyo ay ang pader na madalas ihiian ng mga aso…in other words…Mapanghe! Kaya aanhin nyo ang maayos na sweldo kung hindi naman tama ang pag trato ng mga tarantadong ito!!!

Kaibigan, ikaw ay may isip at may kakayahang patakbuhin ang sariling buhay…hindi gaya ng isang Tamagotchi na habambuhay nakaasa sa naglalaro sa kanya…Isipin mo na lang ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya…hahayaan mo pa bang masayang ang ilan pang taon…Mag isip kang mabuti…Hindi ka isang laruan…