Point of View: Is Self-Respect Necessary??? (Independence Day Special)
Sa ilang taon ng pagiging empleyado ko sa PGA, isang bagay lang ang napuna ko sa loob ng puder ng kumpanyang ito…Unting mawawala ang respeto mo sa sarili mo dahil sa kawalan na rin ng respeto ng mga maimpluwensyang tao na nagpapatakbo ng PGA sa mga sarili nilang empleyado. Ang pag gamit ng bakal na kamay sa empleyado ay hindi epektibong pamamaraan para makuha nyo ang respeto. Mantakin nyo na lang na mismong sa mga managers pataas na lang ay talamak ang murahan pag nasa meeting sila at walang pakielam ang mga ito na kahit may nakakarinig na rank and file sa lantarang pambabastos ng mga ito sa isat isa!!! Paano mo pa maexpect na respetuhin ka ng tao mo kung sagad sa buto ang pangaalipusta ang inabot mo? Kung matibay ang loob mo ay lukunukin mo na lang ang lahat ng ito at patay malisya ka na lang..pero hindi mo maloloko ang sarili mo dahil alam mong niloko mo na lang ang sarili mo at nagpalamon ka na sa katarantaduhan nila Coyiuto at Anton Sy!!! Isipin mo naman ang kahihiyan mo utang na loob!!! Dahil hindi nakukuha sa paligo para malinis mo ang sarili mo sa kahihiyan na inabot mo!!!
Ang tanong ko ay dapat bang isakripisyo mo ang respeto mo sa sarili mo para lang masikmura mo ang mga bagay na sa sarili mo ay sa tingin mo ay parte na ng buhay mo? Magisip ka ng mabuti dahil maraming komplikasyon sa moralidad mo ang pwedeng maidulot nito.