Point of View : Papabusted Ka Ba?!!!

Itong sulat na ito ay para sa union officers at members…

Gumising ka at imulat ang iyong mga mata! Hindi mo ba napapansin na unti unti ng nauubos ang mga kasama mo?! Union Busting!!! Oo! Tama ang nababasa mo! U-N-I-O-N B-U-S-T-I-N-G!!! Malinaw pa sa tubig ulan na ang stratehiya na ginagawa ng management ay ang paglupil sa union para tuluyan ng mawala ang CBA…hindi ba kayo nababahala na sa pagdating ng panahon na mawala na ang mga benepisyo na tinatanggap mo dahil tuluyan ng mawawalan kayo ng boses at ang management na ang mag maneobra at magdikta ng dapat ninyong tanggapin…may security of tenure ka pa ba pag dumating ang panahon na yun??? Sa hirap ng panahon ngayon ay umaasa na lang tayo sa increase sa sweldo natin taon taon…ang tanong…maeenjoy mo pa kaya yun pag dating ng panahon??? Kung ako sa inyo ay nagiisip na kayo ng hakbang laban dito habang hindi pa huli ang lahat…takot ang management sa picket dahil sa tingin ko bukod sa kahihiyan nila ang nakasalalay ay hindi sapat ang kanilang pwersa para maipatakbo ng normal ang kanilang operasyon. Ipakita nyo sa kanila na hindi kayo basta basta nailalampaso…patunayan nyo na may paninindigan kayo…wag nyong gayahin ang management na duwag na naghahanap ng karamay sa patuloy sa pagsilaw sa mga dati nyong kasamahan sa pamamagitan ng promosyon na sa bandang huli ay marealize nila na mas higit pa ang kanilang natatanggap as union member at titulo lamang nila ang umangat ay hindi ang sweldo nila…magisip ka at gumising sa iyong pagkakatulog…

Leave a Reply